Bisa ng driver’s license na napaso sa gitna ng ECQ pinalawig ng LTO

0
25

Pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) ang validity o bisa ng mga driver’s license na napaso sa kasagsagan ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Edgar Galvante, kanilang bibigyan ng 60 araw na grace period ang mga may expired nang lisensiya para makapag-renew

Nangangahulugan aniya ito na maaari sila makapag-apply para sa  driver’s license renewal sa loob ng 60 araw matapos na magbalik ooerasyon ang mga tanggapan ng LTO, oras na maalis na ang ECQ.

Tiniyak ni Galvante, hindi papatawan ng multa ang mga mahuhuli sa paparehistro ng mga sasakyan at magpaparenew ng driver’s license na na-expire sa panahon ng ECQ.

Gayunman, sinabi ni Galvante na posibleng magkaroon ng limitasyon sa mga transaksyon ng LTO kapag naalis na ang ECQ dahil kinakailangan pa ring matiyak ang pagkakaroon ng physical distancing.