Nadagdagan pa ng 36 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 5,531 ang kaso ng COVID-19 sa hanay ng pambansang pulisya.
Batay pa sa pinakahuling tala ng Philippine National Police (PNP) ay nadagdagan rin ng 27 ang bilang ng mga pulis na nakarekober sa sakit kaya umabot na ngayon sa 4,191 ang kabuuang recoveries.
Samantala, nananatili naman sa 17 ang bilang ng mga pulis na nasawi dahil sa COVID-19.