Tatalakayin na ng mga Economic Managers ang nabunyag na mayroon pang natitirang 10 bilyong pisong pondo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula sa Social Amelioration Program (SAP).
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, nagulat rin siya sa naturang impormasyon kung kaya’t agad nila itong tatalakayin kasama si DBM Secretary Wendel Avisado at buong Development Budget Coordination Committee (DBCC).
Giit naman ni Dominguez na hindi dapat nagtitipid ang mga ahensya ng gobyerno para umunlad.
Bagkus ay kailangan aniyang gumastos sa pagtugon sa COVID-19 tungo narin sa kasaganahan.