Bilang ng mga sugatan sa pagsabog sa Cotabato City sumampa na sa 34

0
46

Sumampa na sa 34 ang bilang ng mga sugatan habang dalawa naman ang nasawi sa nangyaring pagsabog sa isang mall sa Cotabato City.

Nangyari ang pagsabog bisperas ng bagong taon sa bilihan ng paputok malapit sa entrance ng South Seas Mall sa naturang lugar.

Ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP), 10 sa mga sugatang biktima ay mga menor de edad.

Samantala, sinabi ng PNP na isang improvised explosive device (IED) ang nasa likod ng naturang pagsabog.