Bilang ng mga lumalabag sa ECQ protocols nadagdagan ng 1,500 —JTF

0
16

Patuloy na nadaradagan ang mga lumalabag sa quarantine protocols sa kabila ng mas lalong paghihigpit ng Philippine National Police.

Ayon kay Joint Task Force (JTF) COVID-19 Shield commander Lt/ Gen. Guillermo Eleazar, nadagdagan pa ng 1,514 ang bilang ng mga curfew at ECQ violators sa bansa.

Aniya, ang pinakamarami dito ay naitala sa Luzon na umaabot sa mahigit 96,000 violators; Visayas na may mahigit 27,000; habang sa Mindanao ay mahigit 28,000 katao.

Mula sa naturang bilang, nasa mahigit 1,800 naman ang nakakulong dahil sa maka-ilang beses itong lumabag sa quarantine protocols.

Samantala, patuloy namang nakikiusap ang pnp sa publiko na sumunod sa patakaran ng ECQ upang maging ligtas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).