Bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo higit 2-M na

0
15

Sumampa na sa higit 2-milyon ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Batay sa pinaka huling ulat ng World Health Organization (WHO), nasa 2,007,000 na ang kaso ng COVID-19 sa buong mundo, at nasa 131,000 na ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19.

Sa naturang datos, pinaka mataas pa rin ang bilang ng mga nasawi sa Estados Unidos kung saan nasa 27,000 na ang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19, habang nasa mahigit 600,000 naman ang kumpirmadong kaso nito.

Sinundan naman ito ng Italy kung saan nasa 21,000 na ang bilang ng mga nasawi.

Gayunman, nasa 134,000 na naman ang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19.