Bigtime Oil Price Rollback inilarga na ng ilang kumpaniya ng Langis

0
39

Muli na namang nagpatupad ng Bigtime Rollback sa kanilang mga produkto ang mga kumpaniya ng Langis para sa Linggong ito

Alas 4 ng hapon ng Linggo, Agosto 11 nagpatupad ng 1.10 sentimos na rollback sa kada litro ng diesel ang kumpaniyang Cleanfuel

50 sentimos na rollback nito sa kada litro ng Gasolina habang 1.30 sentimos naman ang kanilang rollback sa kada litro ng Kerosene

Ala 6 naman ng umaga nitong araw ng Linggo, nang ipatupad ng Seaoil ang kahalintulad na rollback sa kada litro ng Gasolina at Diesel

Sa araw naman ng Martes, Agosto 13 ilalarga ng mga kumpaniyang Caltex, Shell at Petrogazz ang 55 sentimos na rollback sa kada litro ng Gasolina habang 1.10 sentimos naman sa kada litro ng Diesel

Araw naman ng Sabado, Agosto 10 nang inilarga ng kumpaniyang Phoenix Petroleum ang 50 sentimos na rollback sa kada litro ng Gasolina habang pareho sa mga nauna ang rollback nila sa kada litro ng Diesel