Bigas mula sa Vietnam at Thailand darating sa bansa sa susunod na buwan

0
41

Sinelyuhan na ng National Food Authority (NFA) ang 203,000 metriko toneladang bigas na aangkatin ng Pilipinas sa mga bansang Vietnam at Thailand.

Ito’y makaraang aprubahan ng NFA ang bid ng dalawang bansa na naglalayong mapataas ang buffer stocks sa bigas ng Pilipinas makaraang pumasok ang mga ito sa pamantayan ng pamahalaan.

Ayon kay NFA assistant administrator at government to government committee chairman Mercedes Yacapin, sa wakas ay masosolusyunan na rin nito ang kakulangan sa suplay ng NFA rice sa mga kamalig nito.

Posible aniyang dumating sa bansa ang shipment ng mga inangkat na bigas bago ang Disyembre 15 ang unang batch na aabot sa 50 metriko tonelada habang sa Disyembre 30 naman posibleng dumating ang nalalabing 150 metriko toneladang bigas.