Big time roll back sa presyo ng LPG posibleng ipatupad

0
49

Posibleng magpatupad ng panibagong big time roll back sa presyo ng kada tangke ng liquified petroleum gas (LPG) ngayong Disyembre 1.

Sa pagtaya ng isang source mula sa oil industry, matatapiyasan ng hindi bababa sa P5 kada kilo o P55 kada labing isang kilong tangke ng LPG.

Kapareho ito sa kwenta ni Eastern Petroleum chairman Fernando Martinez kasunod na rin aniya ng humihinang demand ng LPG sa China na nagiging dahilan sa pagbaba ng presyo nito.

Gayunman, posible pang magbago angnasabing pagtaya, depende sa magiging paggalaw ng presyo ng LPG sa world market ngayong linggo.

Magugunitang, una nang nagpatupad ng P7.50 kada litro na bawas sa presyo ng LPG noong Oktubre.