Bicam inaprubahan ang panukalang Universal Health Care Bill

0
48

Lusot na sa bicameral conference committee ang panukalang Universal Health Care Bill na may layong gawing libre ang atensiyong medikal sa lahat ng Pilipino.

Ayon kay Senate committee on health chairman Sen. JV Ejercito, maging ang papasuri o check-up ay sakop rin ng panukalang ito.

Kapag naisabatas aniya ang panukalang ito ay magiging libre na sa pagpapagamot sa pampublikong ospital at mga pribadong ospital na accredited ng Philhealth ang lahat ng Pilipino, maging mayaman man o mahirap.

Habang nagkasundo naman ang Kamara at Senado na aprubahan ang mungkahi ni Sen. Ralph Recto na magkaroon ng incentives o special package ang mga direktang contributor ng Philhealth.

Matatandaang, nabahala si Recto na maaring maapektuhan ang pondo ng Philhealth kapag parehong benepisyo ang matatanggap ng mga contributor at non-contributor ng Philhealth.