BI naglabas ng lookout bulletin order vs suspek sa pagpatay kay Generoso

0
15

Nagpalabas na ng lookout bulletin order ang Bureau of Immigration (BI) laban sa isa sa mga suspek sa pagpatay sa radio broadcaster na si Dindo Generoso ng Negros Oriental.

Ayon kay Presidential Task Force on Media Security Co-chair at Communications Secretary Martin Andanar, agad niyang hiniling kay Justice Secretary Menardo Guevarra ang pagsasailalim sa lookout bulletin sa suspek na si Tomasino Aledro.

Dagdag ni Andanar, kanya na ring inatasan ang Office of the City Prosecutor ng Dumaguete na agad ipatupad ang precautionary hold departure order laban kay Aledro na patuloy pa ring nakalalaya.

Magugunitang naaresto na noong nakaraang lingo ang dalawa sa apat na suspek sa pagpaslang Generoso.

Bukod kay Aledro na siyang nakarehistrong may-ari ng pick up na ginamit sa krimen, pinagahahanap din ng mga otoridad ang mismong gunman na si Patrolman Roger Rubio.