Bathan dapat lamang mag-public apology — NPC

0
24

Nanindigan ang National Press Club (NPC) na karapat-dapat lamang na mag public apology si Southern Police District (SPD) Director Brig. General Nolasco Bathan sa GMA reporter na si Jun Veneracion.

Ito ay matapos na hablutin ni Bathan ang cellphone ni VENERACION dahil kinukunan nito ng video ang pag-aresto ng pulis sa isang deboto sa gitna ng prusisyon ng itim na Nazareno, kahapon.

Ayon kay NPC Vice President Paul Gutierrez, labis na naka-didismaya ang naging aksyon ni Bathan dahil malinaw aniya na paglabag ito sa malayang pamamahayag.

Sinabi pa ni Gutierrez na hindi na rin bago ang naturang insidente ng pambabastos ng mga pulis sa mga tiga-media, at mistula na minamana pa ng mga bagong pulis ang hindi magandang asal ng kanilang mga nakatataas na opisyal.

Sa ngayon, hinamon ni Gutierrez ang Dept. of Interior and Local Government (DILG) at PNP na imbestigahan ang nasabing insidente at aksyunan ito sa lalong madaling panahon.