Sinabi ni Congressman Eric Yap na matapos siyang mag ulat kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa kasagsagan ng Bagong Pilipinas Serbisyo Caravan sa Lipa City, Batangas sa katapusan ng linggo, iba’t ibang ahensiya ang nakapag ugnayan para sa mabilisang aksyon ang dapat na magawa para sa nasirang daan. Ang mga opisina ng Department of Budget and Management, Department of Public Works and Highways at ang National Disaster Risk Reduction and Management ay nagsagawa ng paunang pakikipag ugnayan sa kay Congressman Yap at ang paunang halaga na 150 Milyong piso ang inihanda para ponduhan ang pagkumpuni ng bumagsak na daan ngayong taon. Ngunit habang hinihintay ang pagkumpuni ng naturang daan, ang Departement of Public Works and Higways ay kaagad na maglalagay ng bailey bridge sa naapektahang daan upang magbigay ng pansamantalang puwang sa mga gumagamit nito papunta at pabalik ng probinsiya ng Benguet, Mountain Province at ng ibang bahagi ng Cordillera at ng hilagang Luzon. Samantala ,Nakatakdang magkita sila Cogressman Yap at DPWH Sec Manuel Bonoan ngayong araw sa isang pagpupulong upang tignan ang possibilidad na maglagay ng suspension bridge sa naapektuhan bahaging lugar na nakikitang permanenteng solusyon. Sinabi ni Yap ang agarang paggawa ang nararapat na gawin upang matiyak ang mga magsasaka ng Benguet, Mountain Province, Ifugao at ng ibang bahagi ng hilagang Luzon ay maari pa ring magdala ng kanilang ani sa mga vegetable trading areas ng La Trinidad at sa ibang panig ng bansa. Matatandaan, ang bahaging lumubog na lugar ng Halsrma Highway sa Pilando section sa Gambang, Bakun ay gumuho noong biernes ng hapon noong nakaraang linggo. Ang mga naglalakbay, mga magsasaka, at ang iba pang motorist ay kailangan maghanap ng alternatibong daan upang makarating lamang sa kanilang distinasyon sa paggamit ng Cong. Andres Acop Cosalan Road o kaya ng Cervantes road sa Ilocos Sur.
(Source: PIO Benguet)
