Baguio City – Tiniyak ni Mayor Benjamin Magalong sa pamunuan ng Maharlika Livelihood Center na ang lokal na pamahalaan ay tutulong sa tinawag niyang Post fire rehabilitation. Ito ay bilang pagtugon sa karaingan ng mga naapektuhang negosiante sa naturang gusali.
Tumawag si Mayor ng emergency meeting upang isagawa ang cohesive post-incident management action plan bago ang mga pangkat ng iba’t ibang opisina ay italaga.
Sinabi ng mayor na mas maaga pa alas 7 ng umaga, naibalik na ang kuryente at maging ang linya ng imburnal o sewer lines ay naiayos na rin sa naapektuhan ng sunog. Naglinis din ang ibang pangkat ng basura naiwan ng sunog.
Sako sako ang kanilang nakuha, ito ay ayon sa ulat ni City Administrator Bonifacio Dela Peña at Asst. City Administrator VJ Cawis.
Sinabi ni Dela Peña na magsasagawa ng hammer test bukas sa mga tilad o slabs upang malaman ang integridad ng istruktura integrity sa naapektuhang bahagi ng gusali.
Samantala, nagpasalamat ang mayor sa lahat ng tumugon at ang mga opisinang sumama sa pagsugpo at kung paano maiiwasan ang ganitong pangyayari.
Sa bahagi ng Baguio City Fire Department, iniimbestigayon pa ang sanhi ng sunog. Inaassess o tinatasa ng mga imbestigator ng Baguio City Fire Department at maging ng city engineering office kung saan nagmula ang sunog. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)
(Source: PIO Baguio)
