Baguio: Tutol ang mga residente sa pinapatayo na cell site sa barangay

0
9

Mariing tinututulan ng mga residente at opisyal ng Gibraltar ang pagtatayo ng isang Cell site sa ibabaw ng isang gusali. Sa isang petisyon, hinihiling ng mga residente doon ang pakiki alam at pag imbestiga ng Konseho ng lungsod kung mayroon ang nasabing kompanya ng clearance at permit mula sa kinauukulan.

Noong nakaraan regular meeting ng konseho ay nagkaroon ng pagtalakay sa cell tower at napag alaman na ito ay pag-aari ng Ditto Telecommunity Corporation at mapapatayo ito sa taluktok ng tatlong palapag ng isang residential na gusali. Ang nasabing lokasyon ay classify na isang high density residential zone base sa Comprehensive zoning ordinance ng lungsod at lumalabas di umano ay ito ay sakop ng parcel 3 ng Forbes Park Reservation. Ayon kay Engineer Elias Aoanan ng City Planning and Development Office o ng CPDO, hindi di umano kumuha ng locational clearance ang Ditto Telecommunity sa kanilang opisina bago ito magsagawa ng pagtayo ng cellular tower.

Samantala, sinabi ni CPDO Chief Donna Tabangin na ang pagtatayo ng cellular tower ay ipapahintulot kung ito ay naayon sa zoning ordinance. Sa pagkakataong ito, hindi ito maari sa high density residential zones kundi maari lamang ito sa tinatawag ng utility zones. Samantala, hinihiling ng City council kung bakit hindi dumalo ang nasabing telecom firm sa naganap talakayan.(RPN-Baguio/Joel Cervantes)

Photo credit to Brgy. Gibraltar

Leave a Reply