Baguio: Tulay sa Bakun Benguet malapit na matapos

0
121

(Bakun, Benguet) Malapit na buksan ang tulay na ginawa para daanan ng mga magsasaka at kumunidad sa munisipyo ng Bakun. Ayon sa DPWH-BED II, may halaga na 104 million pesos more or less ang halaga sa paggawa ng tulay na ito. Kadalasan kapag tag-ulan ang lugar na dinadaanan ng mga magsasaka ay napapahinto dahil nababara sa mga gumoho na lupa galing sa bundok.

Ang paghinhintay sa mga ahensiya ng gobyerno na mabuksan ang daanan ay nagbibigay ng kaba sa mga magsasaka na ang kanilang gulay ay maibibinta sa murang halaga dahil malalanta sa paghihintay na mabuksan ang kalsada.

Sa ganitong problema na nakakarating sa mga opisyalis ng Bakun, sila’y humingi ng pundo sa opisina ng kaisa- isang opisina ng Congressman sa Benguet na si Congressman Eric yap at ito’y binigyan ng halaga kaya nakahanap ng pundo para sa tulay. Sa kasalukuyan basi sa pagsisiyasat ng DPWH-II may 97 porcento na natatapos at malapit na itong mabuksan.

Sa kasalukuyan tuwing hapon sa parti ng kabundukan sa Benguet parati ang pag-ulan doon. Tinitignan ng tagapangasiwa ng DPWH na kung ito’y mabuksan sa madaling panahon.

Ang tulay na ito ay isang daanan papunta sa municipyo Bakun, Benguet diretsohin pa at papunta sa munisipyo ng Kibungan at Kapangan. Kung hindi pa tag-ulan ito’y daanan din papunta sa La Union na probinsiya kaya ang tulay ay may serbisyo na idudulot hindi lang sa Benguet kasali na ang kababayan na ibang probinsiya.

Ito rin ay malaking tulong sa mga magsasaka na ibenta ang kanilang gulay na dina mahirapan sa daanan kasali na rin ang mga tao na may sakit upang na maiparating sa ospital na walang gaanong sagabal. (RPN-BAGUIO/ JOEL CERVANTES)

Leave a Reply