Baguio City-Camp Dangwa, La Trinidad, Benguet – Matagumpay naisagawa ng mga tauhan ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) ang operasyon nito kontra illegal na druga sa pamamagitan ng pagdakip ng isang suspek sa illegal druga at nakasamsam pa sila ng PhP414,000 halaga ng illegal drugs sa magkahiwalay na operasyon sa probinsiya ng Kalinga at Benguet.
Sa Lungsod ng Tabuk, Kalinga, isang 51 anos na lalaki, naitala bilang High Value Individual, ang nahuli sa kasagsagan ng pagsasagawa ng search warrant sa Barangay Dagupan West. Samantala, ang magkatuwang na mga operatiba kabilang dyan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Kalinga nakasamsam ng tinatayang limang grom ng hinihinalang Shabu na nagkakahalaga ng PhP34,000.00 kabilang ang mga drug paraphernalia.
Ayon sa ulat ang suspek ay humaharap sa paglabag ng Republic Act No. 9165, o ang tinatawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Sa probinsiya ng Benguet, nagsagawa rin ang mga kapulisan ng operasyon sa munisipyo ng Kibungan at Bakun na nagresulta sa pagkakatuklas at pagsira ng tatlong marijuana plantation sites. Agad binunot at sinunog ang 1,900 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng PhP380,000.00, habang ang ilan sa mga ito ay dinala na forensic laboratory para masuri. (RPN-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes/source: Pro-CAR)
