Baguio: Tatlong katao huli sa checkpoint dahil sa marijuana

0
9

Lubuagan, Kalinga – Tatlong katao ang humaharap sa paglabag ng Republic 9165 o ang tinatawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act matapos silang maaresto sa isang checkpoint sa Lubuagan, Kalinga noong October 28, 2022.

Ayon sa ulat na nakarataing sa PRO-COR regional director Police Brig. General Mafelino A. Bazar, ang mga nahuling tao ay kinilala sa pangalang Raechelle Kitongan Canao, 29 anos; Augusto Binuloc Gunnawa 38 anos at Arnel Langao Wadwad 26 anos.

Ayon pa rin sa nasabing ulat, ang mga kawani ng 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company o ang PMFC ang nakatanggap ng impormasyon na ang isang grupo ng mga tao ay nagdadala ng produkto ng Marijuana mula sa Tinglayan, Kalinga papunta sa Tabuk City.

Nang matanggap ang nasabing impormasyon, agad na nagsagawa ng pagkilos ang mga kawani ng 2nd Kalinga PMFC sa Sitio Dinakan, Barangay Dangoy, Lubuagan, Kalinga na nagresulta sa pagkakumpiska ng 204 bricks ng hinihinalang pinatuyong Marijuana at mga tangkay ng nasabing ipinagbabawal na pananim na may bigat na 204,000 na may halaga na 24,480,000 pesos, dalawang pirasong tubular forms ng hinihinalang dahon ng Marijuana at mga tangkay nito na tumitimbang ng 2,000 gramos na may halagang 240,000 pesos at dalawang maliliit na bote o 60 ml ang isa o  na naglalaman ng 120 ML ng hinihinalang Marijuana oil o langis ng Marijuana na may halagang anim na libong piso.

Ang mga nahuling suspeks at ang mga nasamsam na mga ebidensiya ay dinala sa Lubuagan Municipal Police Station. (Joel Cervantes, photo courtesy of Lubuagan, Kalingan MPS)

Leave a Reply