Baguio: Taas presyo ng sayote sanhi ng nakaraang mga bagyo at ang habagat

0
12

(Baguio City- La Trinidad, Benguet) May pagbabago na sa presyo ng gulay. Kabahagi sa mga sinabi ng mga nagtitinda ng gulay sa lungsod ng Baguio at maging ng pinagkukunan nila ng supply sa La Trinidad Trading Post, La Trinidad, Benguet.

Ayon sa supplier ng sayote doon, ang bulaklak ng sayote ay nabubulok dahil sa tuloy tuloy na pag-uulan, yon ang dahilan kaya nagkakadahirap ang supplier na magdala ng sayote sa mga umaakat ng kanilang produkto.

Anang napagtanungan ng RPN News, may isang namimili ang nagsabi na mahal ang sayote isang kilo mula forty hanggang sienkuwenta piso.

Pangunahing pinagkukunan ng supply ng sayote ay nagmumula pa sa mga backyard garden sa mga taga Baguio, ang iba ay sa ibang bahagi ng Benguet tulad ng sa Kibungan, Kapangan, Tublay, Atok, Tuba at iba pang kalapit na municipyo ng Benguet at bahagi ng iba’t ibang probinsiya. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jim Bernabe)

Photo Credit to Mika Cervantes

Leave a Reply