28.1 C
Manila
Monday, March 4, 2024

Baguio: Sunog sa kabundukan ng Atok, Benguet

- Advertisement -

Atok, Benguet – Mga kabundukang bahagi ng Munisipyo ng Atok partikular sa Barangay Topdac at Caliking sa Atok ay naapektuhan ng sunog kamakailan lamang ditto sa probinsiya ng Benguet.

Ang mga Forest guards sa naturang lugar ang nagsabi na nag umpisa ang sunog noong bandang alas nueve ng umaga noong linggo Pebrero a 4.

Mula sa Topdac, ito ay kumalat sa malawak na bahagi ng Halsema Road hanggang Caliking dahil sa napakalakas na hangin.

Samantala, ang mga forest guards ng CENRO Buguias ay gumawa ng mga fire breaks sa ilang bahagi nito, habang ang mga tauhan ng Atok Municipal Fire Station ay nagsagawa ng pag apula ng sunog upang maiwasan ang pagkalat nito sa kalapit na mga kabahayan.

Samantala, isang sunog din sa kagubatan ang naipa-ulat sa bahagi ng Camp 30, Caliking, Atok, Benguet.

Ayon sa mga naninirahan doon, noong pang linggo na pinapaniwalaan na nag umpisa ang nasabing ulam.

Noong madaling araw kahapon, ay makikita ang pagakyat ng sunog sa mga kabundukan doon. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of LGU Atok)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -