Baguio: Senator Imee Marcos Pangunahing bisita at naki-isa sa Say-am Festival ng Apayao

0
5

Apayao Province – Naging pangunahing bisita sa pagtatapos na programa ng 28th Foundation Day at ang 2023 Say-am Festival celebration ng probinsiya ng Apayao.

Kasabay nito sinabi ng Senator ang pagkakaisa ng mga mamamayan ng Apayao lalo na matagal na hindi siya nakabisita sa nasabing probinsiya.

Nagpasalamat siya sa lahat ng mga mamamayan dahil sa pagsuporta nila sa kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bong-bong” Marcos Jr noong 2022 national at local elections.

Hiniling niya ang patuloy nilang pagsuporta sa lahat ng programa ng pangulo na makakatulong sa pagpapaunlad ng buong bansa.

Samantala, nagkaroon din ng pagkakataon si Senador Marcos na makisalamuha sa mga 20 agriculture students mula sa Apayao State College. Ang mga ito ay benepisaryo ng Department of Agriculture’s Young Farmers Challenge Fund 2022.

Hinikayat niya ang mga batang magsasaka na ituloy ang pagpapahalaga sa mga makabagong innobasyon, bagong technologia at marketing strategies sa mga produktong agrikultura na makakatulong sa pangkabuhayan ng mamamayan.

Samantala, patuloy na dinadayo ng mga mamamayan ang mga magagandang floats sa Sports Complex ng Apayao. Ginawa ang mga ito ng pitong munisipyo ng probinsya kasama ditto ang Luna, Calanasan, Kabugao, Pudtol, Conner, Flora at Sta. Marcela.

Ang mga floats ay gawa sa mga light indigenous materials at naidesenyo na kumakatawan sa produkto at cultura ng Apayao.

Ang float parade competition ay kasama sa mga gawain ng Say-am Festival celebration ngayong taon. Ang tema ng selebrasion ay “Apayao @ 28 Continuing Progres, Vibrant Culture and Empowered People”. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Apayao)

Leave a Reply