Friday, May 10, 2024

Baguio: Sampung illegal na struktura naitayo sa Busol at Buyog Watersheds nakatakdang ipabuwag

- Advertisement -

Baguio City – Ang bilin ni Mayor Benjamin Magalong sa Anti-Squatting and Anti-Illegal Structure Committee (ASAISC) na gawin na agad ang pagbuwag ayon sa panuntunnan na may kaugnay sa pagtatayo ng struktura sa mga watersheds at forest reservations.

Sinabi ni Magalong na ang anti-squatting committee ay naihanda ang demolition orders upang maialis ang mga nasabing struktura.  Sinabi ni Engr. Angel Nerveza ng City Buildings and Architecture Office (CBAO) Investigations Division.

May walong iistruktura ang una nang nilang nadiskubre sa Busol watershed sa pamamagitan ng mga patrol teams ng Baguio City Police Office (BCPO) Station 6 sa pamumuno ni Police Maj. Rommel Quinio.

Dalawa ang ilegal nga istruktrura na kanilang nakita noong April a 16, samantalang nagpapatrolya sila sa gitna ng watershed, at isa pang illegal settlement ang kanilang nakita sa bahagi ng Ambiong watershed noong Abril a 17 at ang isang nagdadagdag ng improvement ng istruktura noong April 17.

Idinagdag ni Nerveza na apat pang istruktura ang kanilang nadiskubre sa Busol Watershed na pag aari ng dalawang indibidual nakatakdang mabigyan ng demolition orders. Sa Buyog Watershed na sakop ng Pinget at West Quirino Hill barangays, dalawang malalaking konstruksiyon ang nadiskubre at binigyan ang mga may-ari ng una at paghuling notice of violation noong Abril 19. Idinagdag ng CBAO, ang mga kasalukuang ginagawa struktura sa mga kagubatan o watershed reservations ay kaagad iniindorso para sa pagbubuwag.

Samantalang ang mga nasa pribadong lote ay binibigyan ng cease and desist orders ang mga may ari nito upang kumuha ng kailangan mga dokumento tulad ng building permits. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Baguio)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -