Baguio: Pulis ng PRO-CAR nakakumpiska ng P234K halaga ng illegal na druga at nakaaresto pa ng tatlong suspek

    0
    51
    photo courtesy of PRO-COR

    Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet – Ang mga Pulis ng PRO-COR nakasamsam ng PhP34,000.00 halaga ng shabu mula sa tatlong suspek may kaugnayan sa pagtutulak ng druga at ang pagsunog ng mga tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng PhP200,000.00 sa magkahiwalay na operasyon ng illegal na druga na isinagawa sa rehion noong nakaraang Lunes.

    Sa lungsod ng Baguio, ang magkatuwang na operatiba mula sa lungsod ng Baguio, ang magkatuwang na operatiba mula sa Philippine Drug Enforcement Agency-CAR at Baguio City Police Office ang nakahuli ng isang 30-taong gulang na babae at isang 45-taong gulang na lalaki, parehong kinilala bilang mga High-Value Individuals matapos silang mahuling sa aktong pagbebenta ng hinihinalang Shabu, na tinatayang may bigat na 2.5 gramo at nagkakahalaga ng PhP17,000.00, sa isang buy-bust operation sa Brgy. Bakakeng Central, Baguio City. Ang karagdagang 0.5 na gramo of shabu na nagkakahalaga ng PhP3,400.00 ay natagpuan sa lalaking suspek sa kasagsagan ng pangangapkap.

    Samantala, sa Pinukpuk, Kalinga, Isang 47-taong gulang na babae na kinilala bilang isang Street Level Individual ang nahuli matapos na madiskubre sa kanya ng mga otoridad ang limang sachets ng hinihinalang shabu may bigat na tinatayang 2 gramo at nagkakahalaga ng PhP13,600.00 sa kanyang tahanan sa Brgy. Taggay.

    Ang operasyon ay isinagawa ng magkasamang pangkat mula sa Kalinga Police Provincial Office, Regional Intelligence Unit 14, at ang PDEA-Kalinga, kasunod ng matagumpay paghahaluglog.

    Ang mga suspek at ang nakumpiskang ebidensiya ay dinala ng kani kanilang operating yunits para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda ang salang paglabag sa R.A. 9165, o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

    Kasabay nito sa probinsiya ng Benguet, Isang operasyon sa pagpuksa ng Marijuana ang isinagawa sa pangunguna ng Benguet Police Provincial Office, Regional Intelligence Unit -14, at ng PDEA-CAR naging sanhi sa pagdiskubre ng 1,000 fully grown marijuana plants o mga ganap na laki ng tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng PhP200,000.00 sa Brgy. Kayapa, Bakun.

    Matapos pagsasadokumento, ang ilan sa mga tanim na Marijuana ang kinuha at dinala sa Regional Forensic Unit- CAR para masuri ang mga ito. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

    (Source: PRO-COR)

    Leave a Reply