Baguio: Pulis Kalinga nalipol ang 3,000 piraso ng tanim na marijuana sa Tinglayan

0
20
photo courtesy of PRO-COR

Baguio City – Ang mga pulis ng Kalinga Police Provincial Office ay nakapagsunog ng may kabuang 3,000 piraso ng mga ganap na laking tanim na Marijuana na nagkakahalaga P600 thousand kasunod ng matagumpay na pagsugpo nito sa bulubonduking lugar ng Tinglayan, Kalinga noong Biernes.

Ayon sa ulat mula sa PRO-CAR Regional Operations Division, ang magkasanib pangkat mula sa Tinglayan Municipal Police Station, ang 1st and 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Companies, ang Provincial Drug Enforcement Unit, Regional Mobile Force Battalion 15 at ng PDEA-Kalinga ang nakadiskubre ng marijuana plantation site sa Brgy. Tulgao East, na nagkakahalaga ng PhP600,000.00 based on Standard Drug Price ayon tatiyang presyo nito.

Ang lahat na tanim na marijuana ay binunot at saka sinunog sa naturang lugar at ilan sa mga ito ay dinala sa Kalinga Provincial Forensic Unit. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PRO-COR)

Leave a Reply