Baguio: Pulis Kalinga nakadiskubre ng mahigit sa 3M halaga ng tanim na marijuana sa Tinglayan

0
7
photo courtesy of PRO-COR

La Trinidad, Benguet – Ang patuloy na paghahanap ng tauhan ng Kalinga Police Provincial Office (PPO) ay humantong sa pagkakadiskubre ng mga marijuana plantation sites sa probinsiya ng Kalinga ng mahigit sa P3M halaga ng tanim na marijuana sa munisipyo ng Tinglayan noong Sabado Mayo a 18, 2024.

Ayon sa Kalinga Police Provincial Office, ang magkasanib na pangkat ng 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company, Tinglayan Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit, at ng PDEA-Kalinga ang nakadiskubre ng may kabuang 16,000 piraso ng ganap na laking tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng Php3,200,000.00 sa dalawang Marijuana plantation sites sa Brgy Butbut Proper.

Ang lahat ng mga ito ay binunot at sinunog miso sa naturang site.

Kumuha ang maykapangyarihan ng samples at dinala sa Kalinga Provincial Forensic Unit, habang ang mga operatiba ay nagsasagawa pa ang masusing imbestigasyon upang makilala ang mga nagtanim at saliksikin pa ang kalapit na lugar sa posibleng marijuana plantation sites. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PRO-COR)

Leave a Reply