Baguio: Pulis Cordillera pinuksa ang P16.9M halaga ng tanim na marijuana sa Kalinga at Benguet

0
15
photo courtesy of PRO-COR

Camp Dangwa, La Trinidad, Benguet – Ang mga tauhan ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO-CAR) ay nagsagawa ng matagumpay na dalawang araw na pagpuksa ng marijuana mula Hulyo 19 hangang a 20 ng taon na humantong sa pagkakadiskubre ng sampung plantation sites na naglalaman ng may kabuuang 84,750 na mga ganap na laking tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng PhP16,950,000.00.

Sa probinsiya ng Kalinga, ang magkakasunod sunod na paglipol ng marijuana ang naging sanhi sa pagkakadiskubre ng plantation sites ng ipinagbabawal na tanim sa Barangay East at West Tulgao, Tinglayan, natamnan 49,350 piraso ng mga ganap na laking tanim na Marijuana at nagkakahalaga ito ng PhP11,310,000.00.

Bilang karagdagan, dalawa pang lugar sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga ang nakitaan ng 27,000 piraso ng mga ganap na laking tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng PhP5,400,000.00. Sa ibang parte ng Cordillera, sa Benguet, isa namang plantation site ang natuklasan na naglalaman ng 1,200 piraso ng mga ganap na laking tanim na Marijuana na angkakahalaga ng PhP240,000.00 sa Brgy. Kayapa, Bakun. Noong makita nila ito, ang mga operatiba ay binunot at sinunog ang lahat ng mga Marijuana naroon sa naturang lugar.

Samantala, ilang piraso ng Marijuana ang sinunog mismo sa naturang lugar, habang ang iba ay dinala sa Regional Forensic Unit CAR para masuri. Ito ay bahagi ng kampanya ng PRO-Cor upang mapahinto na ang pagtatanim ng Marijuana sa nasabing rehion. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PRO-COR)

Leave a Reply