Baguio: Pulis CAR nakatuklas ng P630k na halaga ng tanim na marijuana sa probinsiya ng Kalinga at Benguet

    0
    9
    PRO-CAR file photo

    Baguio City – Nakatagpo ang kapulisan ng rehion Cordillera ng may kabuang PhP630,000.00 ng ganap na laking tanim na Marijuana sa probinsiya ng Kalinga at Benguet noong Araw ng Sabado.

    Sa Kalinga, may tinatayang 3,000 mga ganap na laking tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng PhP600,000.00 ang natagpuan ng maykapangyarihan kasama nila ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Kalinga sa Barangay Loccong, Tinglayan.

    Bilang karagdagan, sa probinsiya ng Benguet, may kabuang 150 piraso ng ganap na laking tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng PhP30,000.00 ang natagpuan ng mga pinagsamasamang tauhan ng mga maykapangyarihan kabilang diyan ang PDEA-CAR sa Brgy. Tacadang, Kibungan.

    Matapos maisadokumento ang mga ito, ang lahat ng nasamsam na mga halaman ay sinunog sa mismong lugar kung saan sila natagpuan at ang ilan ay dinala sa Regional Forensic Unit-CAR para masuri.

    Patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon upang makilala ang mga nagtanim at mahanap pa ang iba pang taniman ng ipinagbabawal na tanim sa naturang lugar. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

    (Source: PRO-CAR)

    Leave a Reply