(Baguio City-Bakun, Benguet) Matagumpay nalipol ng Benguet Police Provincial Office (PPO) ang isang plantasyon ng marijuana plantation at sinira ang may kabuang Php100,000.00 pisong halaga ng tanim na marijuana sa Brgy. Kayapa, Bakun, Benguet noong Sabado. Ayon sa Regional Operations Division, ang magkatuwang na operatiba ng Bakun Municipal Police Station, Benguet Provincial Drug Enforcement Unit, Regional Intelligence Unit – 14, at ng Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera ang nagsagawa ng operasyon sa Sitio Caang. Ang naturang operasyon ay nagresulta sa pagkakadiskubre ng 100-metro kuwardrong taniman na naglalaman ng 500 piraso ng mga ganap na laking tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng of PhP100,000.00. Ang mga nabunot na tanim na Marijuana ay isinadokumento at sinunog sa mismong lugar. Habang ang ilan sa mga ito ay dinala sa Regional Forensic Unit -Cordillera para masuri. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PRO-COR)