Baguio City – Ang kapulisan ng Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) muli naman nagtagumpay sa kanilang kampanya laban sa illegal na druga sa pamamagitan ng pagtuklas ng taniman ng Marijuana sa Bakun. Ayon sa ulat mula sa Camp Dangwa, nagkakahalaga ng PhP300,000.00 ang mga tanim na marijuana ang natuklasan at sinira sa kasagsagan ng pagsugpo ng ipinagbabawal ng tanim. Idinagdag din ng ulat na ang marijuana plantation site ay natamnan ng 1,500 fully grown marijuana plants na nagkahalaga ng PhP300,000.00 ang nadiskubre sa Sitio Caang, Brgy. Kayapa.
Ang nasabing operasyon ay inilunsad ng magkatuwang na operatiba ng Bakun Municipal Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit at Provincial Intelligence Unit ng Benguet Police Provincial Office, Regional Intelligence Unit 14, at ng Philippine Drug Enforcement Agency-CAR. Ang lahat na natuklasan na tanim na Marijuana ay binunot at sinunog mismo sa lugar kung saan ito natagpuan ngunit ang ilan sa mga ito ay dinala sa Regional Forensic Unit-CAR upang masuri.
Samantala, patuloy ang imbestigasyon upang matukoy pa ang iba pang taniman ng Marijuana sa naturang lugar at ang mga taong nasa likod nito. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: PRO-CAR)