Baguio: Publiko hinihikayat na iulat ang mga nakalaylay na kawad para mabigyan ng solusyon

0
3
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Hinihikayat ni Mayor Benjamin Magalong ang publiko na ipabatid sa pamahalaang lungsod ang kanilang karaingan tungkol sa mga nakalaylay na kawad upang sa ganon ay agad matugunan.

Sinabi ni Magalong na ang Lungsod, sa pakikipagtulungan ng mga Telcos at ng Benguet Electric Cooperative (BENECO), ay nagsimula ng tugunan ang problema noong 2019 at simula noon, daan daang kilometro ng nakalaylay na kawad sa Baguio ang inalis na.

Kanyang idinagdag na loob ng isa o dalawang oras, ang mga naturang kompany ay agad agad na tumutugon sa reklamo at inaasyos agad ang problema. “

Sinabi ni Magalong na kahit ang mga miyembro ng advisory council ng lungsod at maging ang mga non-government organizations ay nagulat sa bilis ng pagtugon sa mga reklamo.

Tiniyak ni Magalong na siya ay patuloy na sumasubaybay sa problema ng Lungsod tungkol sa mga nakalaylay na kawad. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply