Baguio: Probinsiya ng Kalinga nakatanggap ng 5 milyong piso bilang relief assistance mula sa Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr.

0
2

Cagayan province – Nakatanggap ang probinsiya ng Kalinga ng tulong pinansial habang bumibisita si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa Cagayan.

Mismong tinanggap ni Kalinga Governor James Edubba at Provincial Treasurer Ma. Theresa Basitao ang nasabing tulong pinansial na cheque na nagkakahalaga ng 5 Milyong piso.

Ipinakita din ni Governor Edduba ang naging epekto ng Bagyong Egay sa nasasakupan nito. Una ng napa ulat na walang naitalang mga namatay sa nasabing probinsiya ngunit naapektuhan naman ang agrikultura nila na na kung saan ay mahigit sa 27 milyong pisong halaga ng nasirang palay, mahigit sa 32 milyong pisong halaga ng mais at mahigit sa 4.4 milyong pisong high-valued crops ang mga nasira.

Ayon sa paunang damage assessment ng Kalinga, umaabot sa 801 sa mga apektadong pamilya doon na binubuo ng 3,939 katao mula sa anim na munisipyo at isang lungsod.

Samantala, nakapagtala ang Kalinga ng tatlong tuluyang nasirang mga bahay sa Lubuagan at 104 ang bahagyang nasirang mga bahay sa iba’t ibang munisipyo.

Dalawang paaralan sa Tinglayan at Tanudan ang naiulat na bahagyang nasira.  Ayon sa opisina ng gobernador, ang lower at upper district ng Kalinga, may paunang damage na nagkakahalaga ng mahigit sa 322.74 milyong piso. (Joel Cervantes, photo courtesy of PLGU Kalinga)

Leave a Reply