Baguio: PRO-COR nakasamsam ng mahigit sa P17k halaga ng illegal druga at pagkaaresto ng tulak ng druga

0
12
photo courtesy of PRO-COR

Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet – Matagumpay ang isinagawa ng kapulisan ng PRO-CAR’s sa isinagawa nitong anti-illegal drug operations.

Sa katunayan, may kabuang Php17,248.00 ang kanilang nasamsam at nakahuli pa sila ng tinatawag na tulak ng druga sa magkahiwaya na operasyon na isinagawa sa probinsiya ng Abra at Benguet noong Lunes.

Sa probinsiya ng Abra, isang 27-taong gulang na lalaki na hinihinalang tulak ng druga ang nahuli sa isinagawang buy-bust operation na isinagawa sa Zone 5, Bangued, matapos siyang magbenta ng hinihinalang shabu na may bigat na tinatayang 0.54 gramo na nagkakahalaga ng Php3,672.00 sa isang miyembro ng operatiba na nagkunwang bibili.

Sa panahon ng kanyang pagkaaresto, dalawang paquite ng hinihinalang Shabu na may bigat na, 0.82 grams at nagkakahalaga ng Php5,576.00 ang nakumpiska sa suspek. Nagtulong tulong ang magkasamang operatiba ng Bangued Municipal Police Station (MPS), Manabo MPS, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Provincial Intelligence Unit (PIU) of Abra PPO, Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB15), at ang PDEA-CAR sa paghuli at pagkumpiska ng hinihinalang Shabu.

Ang suspek at ang nakumpiskadong illegal na druga ay dinala sa Bangued Municipal Police Station. Habang inihahanda ng mga kapulisan ang salang paglabag sa R.A. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, laban sa kanya.

Samantala, dumako naman tayo sa probinsiya ng Benguet, isang kama ng binhi ng Marijuana na tinatayang may lawak na 2 metro kuwadrado na lupa natamnan ng humigit kumulang sa 200 piraso ng binhi ng ipagbabawal na tanim na nagkakahalaga ng Php8,000.00 ang natuklasan sa isinagawang operasyon ng mga maykapangyarihan.

Ang mga binhi ng Marijuana ay binunot at sinunog mismo sa naturang lugar. Ang ilan ay dinala sa Regional Forensic Unit-CAR.

Samantala, ang Benguet Police Provincial Office ay nagsasagawa ng follow-up investigations upang malaman kung mayroon pang nalalabing taniman ng Marijuana doon at mahuli ang mga nagtanim nito. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PRO COR)

Leave a Reply