Baguio: Power restoration update ng Bulalacao substation ng Beneco sa Mankayan, Benguet

0
21

Mankayan, Benguet – Ipinagbigay alam ng pamunuan ng Benguet Electric Cooperataive o ng Beneco sa mga member consumer owners o ang Mco’s sa munisapalidad ng Mankayan at ng iba pang bahagi ng Buguias, Benguet na apektuhan ng pagkasira ng substation power transformer, na ang pagbabalik ng kuryente ay magaganap bago hunyo a 15 sa taong kasalukuyan depende pa rin kung normal ang kalagayan ng panahon.

Ang pag uupa o pag renta ng 10 MVA Power Transformer mula sa Ilocos Sur Electric Cooperative, Inc. o ang ISECO.

Ikinukunsidira ng Iseco Board of Directors para pag usapan na ang kahilingan ng Beneco sa naturang board meeting na nangyari noong hapon ng lunes Hunyo a 5, 2023.

Sinabi ni BENECO Acting General manager na si Engr. Artemio Bacoco naiitindihan ng pamunuan ng Benguet Electric Coperative ang kahirapan ng walang kuryente, kaya humihingi sila ng paumanhin at pang unawa sa mga member consumers doon.

Ngunit sa ngayon anya ay sumasailalim pa rin sa mga pagpoproceso at sa mga pamamaraan upang matiyak na maibabalik sa normal ang daloy ng kuryente sa mga naturang mga lugar.

Sinabi pa rin ni ginoong Bacoco na ang namamahala ng ISECO ay naghanda na ng Memorandum of Agreement sa BENECO sa inaasahan nilang pagsangayon ng Board of Director’ noong Lunes.

Una upang makakuha ang pagsangayon ng ISECO Board’s; Ayon kay Bacoco, ang paggalaw ng kanilang kapanalig na trucking services na nag uumpisa na noong Martes, Hunyo a 6 upang dalhin ang power transformer mula sa Ilocos Sur Electric Cooperative sa Bulalacao, Mankayan Substation para ilagay ito at sumailalim sa testing o pagsubok at iba pang mga kakailanganin upang maihanda ito sa nakatakdang pagbabalik serbisyo ng kuryente doon.

Sinabi ng acting Beneco general manager na siya’y nagpapasalamat sa pagiging mapasensiya at pangunawa ng mga aga Mankayan at mga taga Buguias kasali ng ring ang karatig ng Cervantes, Ilocos Sur na parti ring na sinusuplayan ng BENECO. (Joel Cervantes, photo courtesy of BENECO file)

Leave a Reply