Baguio: Police Regional Office- Cordillera (PRO-COR) Cops nakahuli ng high value drug personalities

0
3
(Photo courtesy of Police Regional Office CAR FB Page)

Nakahuli ang pulis Baguio at Benguet ng apat na katao na kinikilala bilang high-value drug personalities at pagkakasamsam ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng PhP304,400.00 sa magkahiwalay na operasyon na isinagawa sa Lungsod ng Baguio at Probinsiya ng Benguet, kamakalawa lamang.

Sa Lungsod ng Baguio, ang mga otoridad ay nakahuli ng apat na katao na kinilala bilang 46-taong gulang na lalaki, isang 30-taong gulang na lalaki, isang 31-taong gulang na babae at isang 29-na taong gulang na babae kasunod ng pagbebenta ng tinatayang 1000 gramo ng pinatuyong dahon ng Marijuana at ang tangkay nito na nasa pormang tubo na nagkakahalaga ng PhP120,000.00 sa isang miyembro ng operatiba na nagpanggap na bibili nito.

Ang mga otoridad din ay nakasamsam ng karagdagang 1000 gramo ng marijuana sa pormang tubo na nagkakahalaga ng PhP120,000.00 at siyam na plastic sachets ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang sa 8 gramo at nagkakahalaga ito ng PhP54,400.00. Habang inihahanda na ang salang paglabag sa RA 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga nahuling suspek. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PRO-COR)

Leave a Reply