Baguio: Philippine Army nakatagpo ng high explosive mortar machine gun at iba sa Abra

0
6

Malibcong, Abra – Ang 24IB Philippine Army ay nakatagpo ng high explosive mortar rounds, batterya, at machine gun ammunitions sa Abra kamakailan lamang.

Agad nagtungo ang tropa ng Philippine Army matapos makatanggap ng ulat mula sa mga mamamayan doon.  Nagsagawa ang mga ito ng reconnaissance patrol at nakadiskubre sila ng iba’t ibang gamit pang geriya sa isang iniwanang kuta ng kommunistang terroristang grupo sa Sitio Lamunan, Brgy. Gacab, Malibcong, Abra noong Abril a 14 ng taong kasalukuyan.

Nabawi ng mga tropa ng Philippine Army ang anim na pirasong ng 60mm high explosive (HE) mortar rounds, 62 na pirasong na buhay na bala ng M60 machinegun, at isang 12v motorcycle battery pinaniniwalaan na iniwanan ng tumatakas ng Kommunistang Terroristang grupo ng Komiteng Larangang Guerilla o ng KLG North Abra. (Joel Cervantes, photo courtesy of PA file)

Leave a Reply