Baguio: PDEA Cordillera nakahuli ng isang drug personality sa Mountain Province

0
10

Mt. Province – Isang drug personality ang nahuli at may tinatayang PHP 170,000.00 halaga ng hinihinalang shabu matapos magpatupad ng search warrant ang PDEA sa loob ng tahanan ng suspek sa Poblacion, Paracelis, Mt. Province noong November 7, 2023.

Hinuli ng Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera Mt. Province Provincial Office si Clarence Chongawen Gunday Sr., isang magsasaka ng nasabing barangay at nakakumpiska ng 25 gramo ng hinihinalang Shabu, drug paraphernalia, isang 22 mm na revolver, isang 22 mm ripple at mga bala. 

Sinampahan na ng paglabag sa Republic Act 9165 o ang tinatawag na “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”, at ng Republic Act 10591 laban sa suspect. At ito’y kaniyang harapin sa loob ng korte. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of PDEA CAR)

 

Leave a Reply