Baguio: Parada ng prutas sa Munisipyo ng Sablan, Benguet itutuloy kahit na kaunti ang naaaning mga prutas

0
14

Sablan, Benguet – Isang parade ng prutas at Fruit medley ang isasagawa sa Munisipyo ng Sablan sa darating na ikalawa ng buwan ng Setyembre ng taong kasalukuyan bilang pangunahing pangyayari sa ika-siyam na Fruit festival kahit na maliit ang dami ng prutas na kanilang naaani.

Ito ang sinabi ni Sablan Mayor Alfredo Dacumos Jr., anya itutuloy pa rin nila ang nasabing parada kasama dito ang Fruit Medley dahil sa pamamagitan nito ay maitataguyod ng nasabing bayan ang mga prutas sa mga bisita.

Sinabi ni Dacumos, mayroon pa silang maaning rambutan, saging, lansones, dragon fruits, mangosteen at ng iba pang prutas isa Septiyembre dahil sa pinaghahandaan at inirereserba nila ito sa publiko.

Kanyang ipinahayag na mayroon pa silang maaning prutas tulad ng guyabano, santol, bayabas, rattan fruit at ng iba pang prutas na maaring ibenta sa mga magpupunta doon.

Isa sa ipinagmamalaki nilang prutas ay ang matamis na pinya at ang saging na lakatan.  Ang mga ito ang nagwagi bilang ang pinakamasustansiyang saging sa buong bansa noong 1990. (Joel Cervantes, photos courtesy of LGU Sablan)

Leave a Reply