Baguio: Para-Archer Agustina Bantiloc qualified sa Paris Paralympic Games 2024

0
26
photo courtesy of PIA Cordillera

Baguio City – Nakakuha ng lugar o puwang si Para Archer Agustina Bantiloc ng lungsod ng Baguio City sa papalapit na Paris Paralympic Games 2024 matapos na maging karapat-dapat sa pamamagitan ng Bipartite Commission Invitation at marating ang minimum qualification standard.

Siya ay bahagi ng makasaysayang dalawahan nakakuha ng kunaunaunahang podium finish ng bansa sa Compound Open Mixed Category ng Para Archer Olympic Qualifers naakagaw ng medalyang tanso mula sa kanilang katapat na South Korean sa Thailand noong nakaraang taon.

Si Bantiloc ang ikaapat na Filipino nakapasok sa Paris Paralympics matapos ang mga manglalangoy na sila Ernie Gawilan, Angel Otom, at Allain Ganapin ng taekwondo. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply