Baguio: Panukula na ang Benguet ay ipasailalim sa State of Calamity hinihiling na sa Sangguniang Panlalawigan ng probinsiya

0
7

La Trinidad, Benguet – Hinihiling sa Sangguniang Panlalawigan ng Benguet na isailalim ang probinsiya ng Benguet sa state of Calamity.

Ito ang sinabi ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Abner Lawangen, ito ay naging resulta ng kanilang pagpupulong ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa pamumuno ni Gobernador Melchor Diclas noong lunes.

Sinabi ni ginoong Lawangen inaasahan nila na lalabas ang isang resolusyon mula sa Sangguniang Panlalawigan para pormal ang pagkakadeklara ng Benguet sa pagiging state of calamity nito.

Anya malaki ang naging epekto at sira na dinala ng Bagyong Egay sa iba’t ibang sector ng probinsiya kasama dito ang inprastruktura, mga daan na pang national at pang probinsiya, agrikultura, elektrisidad, transportasyon, komyunikasyon at ang mga pangkabuhayan ng naturang probinsyia.

Kanyang napag alaman na isa sa pinakamainam na gawin ay ideklara ang state of calamity at isagawa ang price freeze upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa pagpupulong na dinaluhan din ni Bise gobernador Ericson Felipe at ni Board member Fianza ang chairman ng Disaster Risk Reduction and Management ng provincial board. (Joel Cervantes, photo courtesy of BFP-Buguias)

Leave a Reply