Baguio: Panukalang pagsasagawa ng centralize firework sa La Trinidad, Benguet ito’y pinaghahandaan

0
11

La Trinidad, Benguet – Sang-ayon si La Trinidad Municipal Mayor Romeo Salda sa panukalang pagsasagawa ng centralize fireworks display sa La Trinidad kasabay ng pagsalubong ng bagong taon.

Sinabi ng naturang mayor na nakahanda ang lokal ng gobierno dahil sa kailangan ng plano para sa maayos na pagsasagawa ng nasabing programa. Nasabi niya na bukas ang munisipyo sa mga gustong  magisponsor para sa pagsasagawa ng isang  community fireworks display.

Isinaalang alang din ni mayor Salda na mas mabuti ang fireworks display kaysa ihahambing sa isang taong nagpapaputok ng mga fire crackers.

Magkaganon man, minsan pang inirekomenda ni Mayor Salda sa publiko na iwasan na nila ang magpaputok at mas magandang maghanap na lang sila ng alternatibong bagay na gagamitin nila sa pagsalubong ng bagong taon. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU La Trinidad)

Leave a Reply