Baguio: Panukalang 6 months amnesty para sa nag-aapply ng koneksyon ng tubig at kuryente, nasa konseho na ng lungsod

0
9
photo courtesy of Baguio PIO

Baguio City – Inaprubaan na ng lokal na konseho sa unang pagbasa ang panukalang ordinansiya na nagbibigay ng amnestiya sa nagnanais na mag apply ng koneksyon sa tubig at kuryente sa loob ng anim na buwan.

Sa ilalim ng panukalang ordinansiya, ang aplikante ng amnestiya ay kinakailangang magtungo sa City Buildings and Architecture Office (CBAO) para sa koneksyon sa kuryente habang sa Baguio Water District (BWD) para sa pagkakabit sa tubig.
Ang mga papayagan ay kinakailangan na magbayad kinakailangan na bayarin sa mga nasabing opisina. Bilang karagdagan, ang amnestiya para sa pagkakabit ng kuryente at tubig ay hindi nangangahulugan ay isang pagpapatawad sa pagtatayo ng struktura na isang paglabag sa National Building code of the Philippines at ng iba pang mga batas.

Ang CBAO at ng iba pang opisina ay hindi mahahadlangan na buwagin ang naturang struktura naayon sa batas. Ang mga kailangan upang makakuha ng panukalang amnestiya para sa tubig at kuryente ay ang mga sumusunod: ang real property tax declaration sa ilalim ng pangalan ang applikante, dapat kumuha ng waiver o karapatan sa nakarehistrong may ari ng lote, sertipiko ng non-delinquency of tax at barangay certification na nagpapatunay na ang aplikante ay isang tunay na residente ng barangay at ang struktura ay hindi nasa tinatawag na road-right-of-way, na ang lote o struktura ay hindi matatagpuan sa daluyan ng tubig at sa pasilidad o pipelines ng Baguio Water District, na ang struktura ay hindi nasa ilalim ng high tension wires at ang naturang struktura ay hindi napailalim sa demolisyon o pagbuwag.

Magkaganon man, ang mahihirap na applikante ay kinakailangan kumuha ng sertipiko mula sa kanilang punong barangays at sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) na magbibigay ng 50 percentong bayad na sinisingil ng kasapi o miyembro ng Institute of Integrated Electrical Engineers of the Philippines, Inc. – Baguio-Benguet chapter. Bilang karagdagan, ang electrical plans or format ay kinakailangan na may pagsangayon ng naturang samahan.
Sa pagkokonekta ng tubig, ang kariniwang pamantayan o standard form ang dapat na pirmahan sa opisina ng Baguio Water District. Bilang kapalit ng certificate of final electrical inspection na ginagamit para sa occupancy permit, isang sertipiko ng electrical inspection ang ipinalalabas ng CBAO.

Ipinaliwanag ng naturang ordinansiya na ang amnestiya ay hindi nalalapat sa mga struktura naitayo sa loob ng reserbasyon sa kagubatan, palatubigan, at iba pang pag aari ng pamahalaan o military reservation at ang mga nagtayo sa tituladong pribadong pag-aari.

Ang tinutukoy ng panukalang amnestiya ay lapat lamang sa struktura na ipinatayo bago ang pagiging epektibo ng panukalang batas base sa nakalap na imbentoryo at barangay certification ng CBAO. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)