Baguio: Pamahalaang Lungsod patuloy na magsasagawa ng paglilinis sa inlet ng City Camp Lagoon

0
9
(Photo courtesy of PIO Baguio)

Ang City Engineering Office ay nagsagawa na ng maagang paglilinis ng basura at iba pang dumi na nakabara sa inlet o pasukan ng City Camp Lagoon. Sa katunayan, naghahangad pa ang lungsod ng patuloy na pag-ulan upang makatulong ito sa paglilinis ng bukana ng lagoon.

Magkaganon man, sinabi ni Engr. Charles Bryan Carame ng City Disaster Risk Reduction and Management Office na ang problema pa rin sa basura ang humaharang sa pasukan nito na may kasama pang buhangin at lupa o silts sa wikang English.

Kung inyong matatandaan ang City Camp ay isang bahaing lugar sa Lungsod ng Baguio at nagsisilbi nga itong catch basin sa panahon ng tag-ulan kaya may inilagay ang lokal na pamahalaan na steel screens upang masala ang mga basura.

Gayon pa man, ang hindi tamang pagtatapon ng basura ang nakakahadlang sa tabing o screen na siyang nagdudulot ng pagbaha. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: Baguio City Public Information Office)

Leave a Reply