Baguio: Pamahalaang lungsod nagbigay babala sa publiko laban sa mga nagpapanggap na basurero na humihingi ng tulong pinansial

0
5
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Nagbabala ang pamahalaang lungsod ng Baguio sa Publiko laban sa humihingi ng solitasyon mula sa indibidual na nagkukunwari na basurero ng Baguio.  Ang babala ay inihayag ni City General Services Officer Eugene Buyucan matapos makatanggap ng ulat mula sa nababahalang mamamayan naipinadala sa  Public Information Office tungkol sa ilan mga tao nakasakay ng motorsiklo na nanghihingi ng pera para sa mga basurero na gagamitin umano sa kanilang Christmas Party. Ganon pa man, sinabihan niya ang lahat ng kanilang mga basurero na huwag na huwag na manghihingi ng pera sa  publiko.

 

Anya, maraming mga tao ang nagkukunwang basurero na nanghihingi ng pera. Ang kanyang payo sa publiko na huwag na magbibigay ng pera at iulat ang ganitong pangyayari sa mga pulis upang matigal na ang ganitong gawain. Samantala, nanawagan ang pamahalaang lungsod sa publiko natratuhin ang mga basurero na may dignidad sa pamamagitan ng paghihiwalay ng basura, ibalot ang mga ito sa isang lalagyan at sundin ang nakatakdang araw ng paglalabas ng basura. 

 

Ang  General Services Office mayroon lamang 60 basurero sa plantilla nito na tinutulungan ng 140 kataong tumutulong sa araw-araw na pangungulekta ng basura  na may kabuang 400 tonelada.  Ang dami ng basura ay dumudoble pa sa panahon ng pagdating ng mga turista tulad ng mga buwan ng Disyembre, Marso at Abril. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PIO Baguio)

 

Leave a Reply