Baguio: Pagsasanay sa larangan ng pagnenegosyo patuloy na iaalok sa La Trinidad, Benguet

0
9

La Trinidad, Benguet – Patuloy ang pagsasagawa ng pagsasanay sa La Trinidad Negosyo Center at ng Department of Trade and Industry (DTI)-Benguet para sa mga kabataang entrepreneurs ng Micro, Small & Medium Enterprises (MSMEs) sa La Trinidad upang matulungan na umunlad at mapaganda ang kanilang negosyo.

Ito lang mga nakaraang araw ay isinagawa ang pagsasanay tungkol sa packaging at labeling para sa mga local MSMEs o kung saan ipinaliwanag sa kanila ang kahalagahan ng tamang packaging ng mga produkto upang mahikayat ang mga mamimili.

Maliban ditto nabigyan din ang mga dumalo ng pagkakataon para sa one on one session mula sa tagapagsalita o speakers upang lalong mapaganda ang branding strategies at logo making skills nila.

Samantala, mayroon ding isasagawang digital marketing seminar kung saan ay maituturo sa mga MSMEs ang creation at management ng social media accounts para sa promotion at marketing ng produkto at serbisyo nila.

Kung inyong matatandaan na ang lokal na pamahalaan ng La Trinidad ay taon taon na naghahanda ng pondo para pagpapaunlad ng mga negosio sa ilalim ng MSME Program.

Samantala, pinayuhan ang mga interasado na sumali sa susunod na pagsasanay at programa ng LGU-La Trinidad sa pamamagitan ng pagbisita sa Negosyo Center nila na matatagpuan sa ikalawang palapag ng lumang public market ng La Trinidad. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU La Trinidad)

Leave a Reply