Baguio: Pagpapatayo ng karagdagan na silid paaralan sa Ambangeg National High School, Bokod, Benguet napundohan

0
13

Bokod, Benguet – 2.5 million pesos, ang pondong inihanda ng lokal na gobierno ng Bokod para sa pagtatayo ng karagdagang silid paaralan sa Ambangeg National High School. Ito ang ibinalita ni Bokod Mayor Thomas Wales Jr., na naghanda sila ng 2.5 million pesos na pondo para sa pagtatayo ng karagdagang silid paaralan ng Ambangeg National High School.

Ayon sa kanya, ang pondo ay galing mula sa Special Education Fund (SEF) at surplus fund ng lokal na gobierno ng Bokod. Sinabi niya na aabot sa sampung silid paaralan ang maitatayo ayon sa plano ng naturang National High School.

Kanyang idinagdag na sa pamamagitan ng nasabing proyekto ay mabibigyang kalidad na edukasyon ang mga junior at senior high school ng naturang paaralan. Inamin niya na maraming enrollees ang Ambangeg NHS ngunit kulang ang pasilidad.

Una rito, sinabi ng naturang mayor na isa sa kanilang tutukan ay ang sektor ng edukasyon dahil sa dumarami ang bilang ng estudyanteng junior at senior high ng lima sa mga paaralan doon.

Sinabi niya na ang mga ito ay kinabibilangan ng Ambangeg National High School, Ambuklao National High School, Daklan National High School, Bokod National High School at ng Immaculate Conception School o ang ICS. (Joel Cervantes, photo courtesy of Bokod LGU)

Leave a Reply