Baguio: Pagpapaganda ng Wright Park Reflection Pool, sisimulan na

0
2

Baguio City – Pagpapaganda ng Wright Park Reflection Pool sa Upper Wright Park sa pamamagitan ng Rejuvenation Project na sisimulan ngayong Lunes, Enero 9, na nagkakahalaga ng P19-million.

Ito ang sinabi ni Architect II Hanee Kevin, ng City Building and Architecture Office, na ang civil works para sa pool na may kahabang isang daang metro at may kaluwang na limang metro, at may lalim na limang piye ang kanilang puntirya na matatapos sa loob ng anim na buwan o hangang buwan ng Hunyo.

Sakop ng nasabing proyekto ang pagtatayo ng marami pang istruktura para sa electrical, mechanical at plumbing facilities at ng iba pa.

Sinabi niya na ang pondo para sa nasabing proyekto ay magmumula sa Bloomberry, isang Manila-based company, bilang donasyon nila sa lokal na gobierno samantalang dalawa sa pribadong kontraktor na napili ng lokal na gobierno na magsasagawa ng nasabing rejuvenation project.

Idinagdag pa ng CEPMO sa pamamagitan ng pamumuno ni Atty. Rhenan Diwas at ng City Planning and Development Office (CPDO) sa pamumuno ni Archt. Donna Rillera Tabangin na magsisilbing consultant ng proyekto upang masiguro ang kalidad ng trabaho at matatapos sa takdang panahon.

Kasama din ang pagka drian ng tubig at ang pagkolekta ng mga isda sa nasabing pool na maililipat sa Botanical Garden. Kung inyong matatandaan na sa una ng nahuling isda noong nakaraang taon ay nailipat na ito sa Burnham Park.

Nais na lalong mapaganda ang reflection pool upang makalikayat ng mga lokal na residente at ng mga turista upang mabigyang halaga ang nasabing tourist spot upang mabawasan ang maraming tao sa Burhnam Park.

Kanyang tiniyak na sa sandaling makumpleto ang proyekto, ang Reflection Pool area, nasa harapan lang the Mansion, ay libreng pasyalan ng publiko. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Baguio City)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here