Sunday, May 5, 2024

Baguio: Pagkasunog ng bundok sa isang barangay ng Bokod, Benguet; Meron isang senior namatay

- Advertisement -

Bokod, Benguet – Imbestigasyon sa nangyaring sunog sa kagubatan sa Munisipio ng Bokod, patuloy na inaalam ng maykapangyarihan dahil  isang matanda o  senior citizen ang  namatay sa nasabing sunog sa kagubatan sa  Sitio Poodan, Brgy. Ekip, Bokod, Benguet.

Ang nasabing sunog ay naging sanhi ng pagkamatay ng isang matanda o senior  citizen na kinilala ito bilang si Johnny Alsem Baniwas, may edad na 61 anos, isang magsasaka, may asawa at residente ng naturang lugar.  Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag ang mga pulis kaugnay sa  natagpuang bangkay.

Nakalagay sa ulat na tumulong ang nasabing biktima na pagpatay ng sunog na naging sanhi ng pagkamatay nito.  Ayon sa kapitbahay ng  biktima, nakita nila si Baniwas na nasusunog sa nasabing bondok noong alas sais ng gabi ng Marso a 23, 2023. Noong alas 9:00 ng umaga ng biernes  Marso 24, 2023 ay natapguan ang bangkay ng biktima na malapit sa isang sapa.

Naiuwi din ang bangkay nito sa kanilang tahanan. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Bokod)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img