Baguio: Paggunita ng Semana Santa sa Rehion Cordillera, naging mapayapa

0
3

Camp Bado Dangwa, La Trindad, Benguet – Ipinahayag ni Regional Director of Police Regional Office (PRO) Cordillera, Police Brig. Gen David K. Peredo, Jr., naging mapayapa ang paggunita ng Semana Santo sa Rehion Cordillera.

Dahil dito, pinapurihan niya ang mga tauhan ng Police Regional Office sa kanilang huwarang pagganap ng kanilang tungkulin upang matiyak, ligtas at mapayapa ang paggunita ng Semana Santa at pati na rin ang pagbabakasyon sa panahon ng tag init sa buong Cordillera Region.

Anya walang naitalang malaking kaganapan ng insidente ang naiulat mula Marso a 28 hangang a 31 ng taong ito.

Kanya itong ipinalagay dahil sa epektibong plano na pagtatalaga ng mga kapulisan kaya ang isang linggong pagdiririwang na tradisyong Kristiano ay naging pangkahalatan na mapayapa na walang pangyayari na may kaugnayan sa seguridad. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PNP PRO-COR)

Leave a Reply