Baguio: Pagbagsak ng lupa at bato pinsala dulot lindol sa Benguet highway

0
1

Kibungan, Benguet – Sa naramdaman na paglindol noon Hulyo 27, 2022 naranasan ng probinsiya sa Benguet na gumuho ang lupa at bato sa lansangan katulad ng munisipyo ng Kibungan. Di makadaan ang sasakyan ng mga magsasaka karga ng kanilang gulay dahil may mga bato na nakabara sa kanilang daanan.  Si Mayor Cesar Molitas ng Kibungan ang nagkipag-ugnayan sa contractor, PNP, ahensiya ng gobyerno at mga volunteers para maalis ang gumohong lupa.  Ang mayor mismo ang nakipagtulongan para lang maalis kaagad ang lupa at bato dulot ng lindol kapahapon upang ang mga nabalaho na mga sasakyan ay makauwi sa kanikaniyang tahanan.

Visit RPN DZBS Baguio

Samantala sa bayan ng Kabayan, Benguet, si Mayor Florante Bantales Jr., siya at ang mga opisyales ng Kabayan ay kanilang binuksan din ang nakasara na kalsada. Ang Kabayan municipality ay siyang matatagpuan ang bundok Pulag kung saan ito lugar ang dinarayo ng mga turista kung akyatan ang pag uusapan. Bukas na bukas din ang halsema highway, ito ang kadalasan daanan ng mga magsasaka na naghahatid ng gulay para maibenta sa Trading post. Ayon kay Mayor Franklin Smith, Mayor ng Atok, ang kaniyang programa ay parati sana bukas ang kalsada na halsema dahil ito ang daanan kadalsan ng mga magsasaka ng gulay.

Sa probinsiya ng Mt. Province meron din nagsara na daanan lalo na sa Monamom Sur, Bauko, Mt Province dahil sa mataas na bundok ay gumuho ng lupa at bato sa nasabing daanan. May sasakyan din natabunan subalit ang mga pasahero nito ay nasa ligtas na kalagayan. Walang   namatay sa Mt. Povince dahil sa lindol subalit sa Benguet meron dalawa na namatay, isa sa Balbalan, Kalinga at isa sa Abra.  Ang babala ng mga opisyalis nga Cordillera, mag ingat lagi sa paruruonan. (Joel Cervantes, photo courtesy of Kibungan MPS)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here