29.5 C
Manila
Thursday, February 22, 2024

Baguio: Pag-alaala sa mga kasapi ng SAF 44 na namatay noon sa Mindanao, mga siklista nagkaisa

- Advertisement -

May kabuang 250 siklista ang nagsama-sama para sa SAF 44 Bike Ride na inorganisa ng Baguio City Police Office sa ilalim ni City Director PCOL FRANCISCO B BULWAYAN, JR., noong linggo.

Ito ay upang bigyang parangal ang kabayanihan at katapangan ng Special Action Force (SAF) 44 commandos na nagbigay ng kanilang buhay sa tinatawag na Mamasapano clash.

Ang naturang bike ride ay sinimulan sa Burnham Park, tumawid sa iba’t-ibang lugar kasama ang Parade Ground ng Camp Major Bado Dangwa, sa La Trinidad, Benguet, bago nagtapos ito sa Baguio Convention Center.

Mga kilalang tao ang sumali rito tulad ni City Mayor Benjamin Magalong, Police Regional Office Cordillera Regional Director Police Brig. GEN DAVID K PEREDO, JR., Police COL BULWAYAN, JR., ang mga siklista ng BCPO at mga mahilig na magbisikleta na sibilyan ang sumali sa naturang event.

Ang naturang gawain ay isang pagpapakita ng pagkakaisa at pag-alaala sa mga namayapang SAF 44 commandos.

(Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy by PIA Cordillera)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -